Consumable data in Globe meaning. What is consumable data? In basic term, this is LIMITED data. But how do we tell limited from unlimited. Others say that unlimited data is not really unlimited. To better understand the real thing behind these internet promos, let's take them one by one with an example.

Consumable Data Explained


Consumable ay ibig sabihin ginagamit or nababawasan. Halimbawa may 10 bayabas. Kinain mo yung isa, 9 nalang natira. Parang ganito ang konsepto sa likod ng consumable data.

Unlimited Data

Ito yung parang forever, hindi nauubos (sabi nila). Ang konsepto ng unlimited data ay for marketing strategies. Tinatawag siyang unlimited kasi unli din naman talaga yung magagamit mong inetrnet. PERO, may tinatawag tayong capping or (cap / limit). Kapag nag register ka sa unli surf, may 800mb daily cap tayo. Ibig sabihin, kapag ung nagamit mo ay sobra na sa 800mb, makakapag internet ka parin (kaya tinawag na unli). PERO, babagal na siya. At sa sobrang bagal, parang hindi na tayo nakakapag internet.

Kung gagamitin natin ang example kanina ganito yun. Ipalagay natin na yung promo ay valid lamang for 1 day or 24 hours.

Consumable vs Unlimited


Sa consumable data, bibigyan lang tayo ng 10 bayabas na pwedeng kainin sa isang araw. Nasa iyo kung gusto mo ubusin yung 10 piraso sa isang oras o kaya 1 piraso lang ang kakainin mo bawat oras. Tapos after 24 hours, babawiin na yung tira.

Sa unlimited data, bibigyan tayo ng sang katerbang bayabas. Ngayon, kung sakaling magkulang yun, pwede pa tayo mag request. Kasi sabi nga diba unlimited. Pero ito yung twist. Unlimited data na may capping. Halimbawa yung capping natin sa bayabas ay 8 lang, ibig sabihin, kapag kumain na tayo ng 8, walang pipigil satin na kumain ng higit pa. Pero dahil sa naka abot na tayo ng 8, eh medyo busog na tayo. Kaya kung busog na tayo babagal na tayo sa pag nguya. Kung yung 8 ay naubos agad natin sa 1 oras, pwedeng sa susunod na oras 1 nalang ang kaya nating ubusin.